Abala na ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos at paglilinis sa paligid ng EDSA People Power Monument.
Ito’y bilang paghahanda sa selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.
Bahagi ng kanilang pagsasaayos ang pagpipintura at pagtatabas ng mga halaman sa paligid ng bantayog.
Sinimulan na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang skeletal deployment ng mga pulis sa People Power Monument at maging sa EDSA Shrine.
Nakadeploy na rin sa parehong lugar ang ilang tauhan at fire trucks ng Bureau of Fire Protection (BFP), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), ilang ambulansiya, at mga tauhan ng MMDA.
Kanina ay sinimulan na rin ang Prayer Power sa EDSA Shrine bilang bahagi ng pagdiriwang ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.



