KONSEHAL VVM, KINAMUSTA ANG GINANAP NA ORYENTASYON NG MGA APLIKANTE NG SPES PROGRAM SA LUNGSOD NG OLONGAPO

Pillars Central News
1 Min Read

OLONGAPO — Bilang chairperson ng Komite sa Paggawa at Empleyo, dumalo at nagpahayag ng kaniyang mensahe si Konsehal Vic-Vic Magsaysay sa ginanap na orientation para sa lahat ng aplikante ng Special Program for Employment of Students (SPES) na magsasagawa ng kanilang tungkulin sa lokal na pamahalaan.

Pinagsamang programa ito ng Department of Labor and Employment (DOLE), Lokal na Pamahalaan ng Olongapo, at iba’t ibang paaralan sa lungsod na naglalayong magbigay ng pansamantalang karanasan sa trabaho at kita para sa mga mag-aaral.

Binati ni Magsaysay ang lahat ng mga estudyanteng napiling maging panandaliang kawani ng pamahalaan. Nagpasalamat din siya sa PESO Olongapo, sa pangunguna ni Mr. Mario Esquillo at Ms. Aisha Ace Balagtas, para sa kanilang dedikasyon sa pagsasakatuparan ng programa.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *