₱82 Bilyon, Ilalaan sa Development Funds ng mga LGU Ngayong Taong 2026

Pillars Central News
2 Min Read

Aabot sa tinatayang ₱82 bilyon na pondo ang ilalaan sa development funds para sa pagpapatupad ng mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan ngayong taon, 2026.

Ito ang napag-usapan sa isang pulong na ipinatawag ni Executive Secretary Ralph Recto sa Palasyo ng Malacañang. Dinaluhan ito ng iba pang mga opisyal ng Palasyo at 29 na provincial governors, na may layong linawin ang mekanismo ng pagpapatupad ng mga lokal na proyekto para sa kasalukuyang taon.

Pinondohan ng Local Government Support Fund (LGSF) ang mga priority project sa mga lalawigan, tulad na lamang ng paggawa ng mga kalsada, pagtatayo ng mga evacuation center, mga pasilidad sa kalusugan, at mga imprastrakturang matibay laban sa epekto ng climate change.

Sa ilalim ng programang ito, ang mga proyektong tutukuyin at ipapatupad ng mga LGU ang popondohan, batay sa listahan ng mga programang nakapaloob sa 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ayon sa Office of the Executive Secretary (OES), ang mga proyekto ay nakasentro sa pagbuo ng mga pangunahing prayoridad ng pamahalaan—kabilang ang seguridad sa pagkain, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at kabuhayan.

Patuloy ang koordinasyon ng ehekutibo at ng mga lokal na pamahalaan upang masigurong mabilis at maayos ang daloy ng pondong ito para sa kapakanan ng mga Pilipino.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *