DILG SEC. REMULLA, PINURI ANG UNANG DISTRITO NG ZAMBALES

Pillars Central News
2 Min Read

Pinapurihan ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla Jr. ang Unang Distrito ng Zambales dahil sa tuluy-tuloy nitong pagpapatupad ng mga proyekto at programang direktang nakatutok sa kapakanan ng mamamayan.

Sa isinagawang pulong kasama sina Deputy Speaker at Zambales First District Representative Jay Khonghun, Subic Mayor Jonathan ‘Jon’ Khonghun, Castillejos Mayor Jeffrey Khonghun, at Zambales Vice Governor Jacqueline Rose Khonghun, kinilala ng kalihim ang maayos at kahanga-hangang track record ng pamilya Khonghun sa larangan ng serbisyo publiko.

Ayon kay Remulla, maglalaan ang DILG ng karagdagang mobile patrol units para sa kapulisan upang higit pang mapalakas ang peace and order sa distrito. 

Aniya, malaking bagay ang disiplina at maayos na pamamahala ng mga lokal na opisyal kaya nararapat lamang na dagdagan pa ang suporta para sa seguridad ng komunidad.

Napag-usapan din sa pulong ang paglalaan ng karagdagang firefighting equipment para sa Bureau of Fire Protection (BFP), gayundin ang pagtugon sa kakulangan sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Buong suporta rin ang ipinahayag ni Remulla sa inisyatiba ni Rep. Khonghun na makapagpatayo ng bagong gusali ng BJMP at covered court sa Camp Cabal sa Barangay Baretto, mga proyektong inaasahang magpapabuti sa serbisyo at pasilidad para sa komunidad.

Samantala, nakatakdang bumisita si Secretary Remulla sa Zambales sa darating na buwan ng Marso upang personal na tiyakin at patatagin ang patuloy na suporta ng DILG sa lalawigan ( END)

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *