Patay na nang matagpuan sa tabing kalsada sa Sitio De Guzman, Barangay Sabang, Tuy, Batangas, Lunes ng madaling araw, Feb. 2, 2026 ang katawan ng 44-anyos na lalaking residente ng Brgy. Ibalo, San Luis, Aurora Province at isang empleyado ng isang warehouse sa Tuy, Batangas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinagsusuntok umano ng isang suspek ang biktima matapos na pagbintangan na nagsumbong sa kanilang amo kaya natanggal sa trabaho ang isa nilang kasama.
Isa pang suspek ang tumulong sa pambubugbog sa biktima hanggang sa makaranig na lamang ang kanilang mga katrabaho ng mga putok ng baril.
Tinakot pa umano ng mga suspek ang mga testigo na huwag magsusumbong sa mga awtoridad.
Agad naman nadakip ng mga otoridad ang dalawang suspek na mga kasamahan sa trabaho ng biktima.
Kasalukuyang nasa custodial facility nang Tuy Municipal Police Station ang dalawang suspek at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.
Courtesy: Batangas PPO PIO


