UNANG LINGGO PEBRERO: ๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ก๐—š 3 ๐— ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—ช๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐——, NAARESTO ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—œ๐—š๐—ง๐—œ๐—ก๐—š NA ๐— ๐—”๐—ก๐—›๐—จ๐—ก๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ NG PULIS GAPO

Pillars Central News
4 Min Read

OLONGAPO CITY – Matagumpay na naipatupad ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang serye ng warrant of arrest noong Pebrero 2 hanggang 3, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong Most Wanted Persons, kabilang dito ang isang City-Level Top 9 Most Wanted, dalawa pang Most Wanted at apat pang other wanted persons sa magkakahiwalay na manhunt operations sa ibaโ€™t ibang bahagi ng lungsod.

Dakong 9:20 ng umaga noong Pebrero 2, inaresto ng ng Police Station 1 kasama ang City Intelligence Unit (CIU), ang isang City-Level Top 9 Most Wanted Person sa Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City. Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Alias Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng R.A. 7610, na may nakatakdang piyansa na โ‚ฑ200,000.00. Ang akusado ay dinala sa PS1 para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon ng korte.

Bandang 12:35 ng tanghali, inaresto naman ng Tracker Team ng Police Station 6, katuwang ang Maritime Police Station (MARPSTA), ang isang Other Wanted Person sa Barangay Barretto, Olongapo City, kaugnay ng kasong Other Forms of Swindling, na may inirekomendang piyansa na โ‚ฑ3,000.00.

Makaraan ang halos kalahating oras, dakong 1:00 ng hapon, muling nagsagawa ng operasyon ang PS1, sa tulong ng CIU, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isa pang Other Wanted Person sa Barangay West Bajac-Bajac dahil sa paglabag sa R.A. 11199, na may piyansang โ‚ฑ10,000.00. Ang akusado ay isinailalim sa kaukulang proseso ng batas.

Samantala, dakong 2:45 ng hapon, inaresto ng Tracker Team ng Police Station 2 (PS2) ang isang Other Wanted Person sa Barangay New Kababae, Olongapo City, dahil sa kasong Simple Disobedience to an Agent of a Person in Authority, na may inirekomendang piyansa na โ‚ฑ3,000.00.

Noong Pebrero 3, bandang 1:40 ng hapon, inaresto ng Tracker Team ng Police Station 5 (PS5) ang isang Other Wanted Person sa Barangay Santa Rita, Olongapo City, kaugnay ng kasong Theft.

Sa hiwalay pang operasyon, dakong 8:10 ng gabi, nadakip ng mga tauhan ng Police Station 4 (PS4) ang isang Most Wanted Person sa Barangay New Cabalan, Olongapo City, dahil sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng R.A. 7610, na may nakatakdang piyansa na โ‚ฑ200,000.00. Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PS4.

Bukod dito, bandang 10:15 ng gabi ng Pebrero 3, matagumpay na inaresto ng City Intelligence Unit (CIU) bilang lead unit, katuwang ang Police Station 5 (PS5), ang isa pang Most Wanted Person sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City. Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Revised Penal Code, na may walang inirekomendang piyansa. Ang akusado ay dinala sa PS5 Custodial Facility para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon ng korte.

โ€œAng tuloy-tuloy na pagkakaaresto sa mga wanted persons ay malinaw na babala sa mga nagtatangkang umiwas sa batas. Sa ilalim ng pinaigting na PNP Focused Agenda, hindi tumitigil ang OCPO sa pagtugis sa mga kriminalโ€”anumang oras at saan mang lugar. Patuloy naming pinaiigting ang EMPO-driven at lawful police operations upang tiyakin na ang batas ay naipatutupad nang patas, mabilis, at may buong paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan. Mananatiling matatag ang OCPO sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, katuwang ang komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na siyudad.โ€- PCOL CLARAVALL, City Director, OCPO

Share This Article