Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted sa probinsya ng Zambales ng mga tauhan ng Botolan MPS sa Brgy. Batonlapoc, Botolan, Zambales noong Pebrero 2, 2026.
Matapos makatanggap ni PCOL BENJAMIN P ARIOLA, Provincial Director, ng impormasyon na ang Top 1 Most Wanted ay namataan sa Brgy. Batonlapoc, agad niyang binigyan ng direktiba ang hepe ng Botolan MPS, PMAJ JEMAR DELOS SANTOS, na ikasa ang manhunt operation laban sa suspek.
Katuwang ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, nasakote ang suspek sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Botolan PNP ang suspek habang inihahanda ang kanyang paglipat sa Provincial Jail.
“Sinimulan po natin ang Pebrero na agad na nasakote ang ating Top 1 Most Wanted sa probinsya. Sisikapin po natin na lahat ng ating mga wanted persons ay mahuli na rin at mabigyan hustisya ang kanilang mga naging biktima sa lalong madaling panahon.” Ani ni PCOL ARIOLA.


