KALAHATING MILYONG HALAGA NG DROGA, NAREKOBER NG ZAMBALES PNP!

Pillars Central News
2 Min Read

ZAMBALES – Umabot sa kalahating milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng Zambales PNP sa isang linggong operasyon nito noong Enero 26 hanggang Pebrero 1, 2026.

Mairiing tinutukan ni PCOL BENJAMIN P ARIOLA, Provincial Director, ang sampung (10) anti-illegal drugs operations na naikasa sa ibat-ibang bayan sa probinsya.

Labing-tatlong (13) katao ang naaresto at nakumpiskahan ng aabot sa 75.71 gramo ng Shabu at 11.68 gramo ng Marijuana na may pinagsamang halagang aabot sa 516,229.00 Pesos base sa Standard Drug Price.

Samanta, maiinit rin ang naging kampanya kontra wanted persons at nasakote ang tinaguriang Top 6 Provincial Most Wanted sa bayan ng San Marcelino.

Dagdag pa rito, anim (6) na iba pang Wanted Person ang nasakote sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Arestado rin ang isang (1) suspek sa paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms, habang isa (1) pa ang boluntaryong nagsuko ng kanyang baril sa himpilan ng pulisya.

Mayroon ring isang (1) pansamatalang ipinatago ang baril habang isinasaayos ang kaukulang documento nito.

“Talagang pinaghusayan ng ating kapulisan ang kanilang trabaho ngayong linggo at umabot sa kalahating milyon ang halaga ng droga na kanilang nasamsam. Makakaasa po ang publiko na tuloy-tuloy lang ang ganitong antas ng performance ng inyong kapulisan.” Ani ni PCOL ARIOLA.

TAGGED:
Share This Article