CELTECH STUDENT, SUGATAN, MATAPOS MAAKSIDENTE SA KALAKLAN

Pillars Central News
1 Min Read

OLONGAPO CITY— Nakilala na ang estudyante ng maritime transportation na nasugatan sa isang aksidente sa kalsada ng Kalaklan ngayong araw ng Martes i, Pebrero 3, 2026.

Nakilala ang biktima na si Pathrick Jiro Urbino Herpacio, residente ng Purok 3, Pinulot, Dinalupihan, Bataan.

Naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi, sa tapat umano ng isang gasoline station sa nasabing lugar.

Batay sa unang impormasyong ibinahagi ng mga residente, agad na dinala si Herpacio sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) para mabigyan ng medikal na atensyon matapos ang aksidente.

Wala pang opisyal na update na inilalabas hinggil sa kanyang kalagayan o sa mga pangyayaring nakapalibot sa insidente.

Hinihikayat ang publiko na tumulong sa pakikipag-ugnayan sa pamilya at kinauukulang awtoridad, kung kinakailangan. Samantala, paulit-ulit ring ipinaaalala ng mga opisyal sa mga motorista at pedestrian na mag-ingat, lalo na kung naglalakbay sa gabi.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *