MGA PAMPUBLIKONG OSPITAL SA LALAWIGAN NG ZAMBALES, WALA NANG DAPAT BAYARAN ANG MGA PASYENTE BASE SA MEMORANDUM NA IPATUTUPAD NG PROBINSYA

Pillars Central News
2 Min Read

Mga pasyente sa Zambales wala nang babayaran, ayon kay Gov. Ebdane

Wala nang dapat bayaran ang mga pasyente sa kanilang paglabas saan mang pampublikong hospital sa Zambales, ito ang nilalaman ng Memorandum Circular No. 018 S. 2025 na nilagdaan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. nang nakaraang Setyembre 2025.

Ang Memorandum Circular No. 018 Series of 2025 ay nagpapatibay ppara ipatupad ang “Strict Adaption and Implementation of the PHILHEALTH NO BALANCE BILLING (NBB) l, Zero Balancr Billing, at No Co-Pay Policy.

Sa ilalim ng Memorandum Circular, sinisigurado na walang Zambaleño ang magkakaproblema sa kanilang pagpapagamot sa mga pampublikong hospital, lalo na sa bayarin na humahantong sa pagpigil sa mga pasyaente na makalabas ng pagamutan kahit magaling na.

Saklaw din na No Balance Billing o hindi na babayaran ng pasyente ay ang bayad sa mga doktor dahil sila umano ay sumusuweldo sa pamahalaan.

Ang nabanggit na lumang kalakaran ng ibang pagamutan, pribado man o pampubliko, ay nagiging dahilan upang maraming Pilipino ang mapagkakaitan o nangangamba sa mga gastusing medikal sa mga pampublikong ospital.

Gayunman, nilinaw ng Memorandum na tanging mga pasyente nagpa-admit sa ward o basic accommodations, kabilang ang mga mahihirapnna pasyente, senior citizen, may permanenteng kapansanan, single parent, maging mga kasalukuyang nagbabayad ng kontribusyon sa PHILHEALTH.

Hindi naman sakop ng No Balance Billing o NBB ang mga pasyente na naka-admit o piniling manatili sa private rooms.

Binanggit din sa Memorandum na may kaukulang parusa ang mga hospital o institusyon na lalabag sa layunin ng Memorandum Circular na ito at sa PhilHealth.

Tiniyak ni Gov. Ebdane na ang bawat mamamayang Zambaleño na lalapit sa mga pampublikong pagamutan ay makatatanggap ng serbisyong libre sa ilalim ng Zero Balance Billing policy.(30)

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *