ZAMBALES – Matapos ang 500 taong pagkakatulog ng bulkang Pinatubo, ito ay pumutok noong Hunyo 1991.
Nagmadaling lumikas ang mga residente habang bumabagsak ang mga bato at abo mula sa pagsabog nito ( Pinatubo) patungo sa bayan ng Botolan at karatig-bayan sa Zambales at ilang probisyon tulad ng Pampanga.
Mga Biktima at Paglilikas
Dahil dito Inilipat ang mga biktima dahil sa naganap na pagsabog at nasa mahigit 159 na evacuation center ang inihanda para sa libo-libong residente na sinuportado ng lokal at internasyonal na ahensya, pamahalaan, at mga NGO hanggang sa makahanap ng permanenteng relokasyon para sa kanila.

Banta ng Lahar
Pagkatapos ng pagsabog, sumunod naman ang banta ng “LAHAR” o buhangin na may kasamang putik at abo. Ito ay sanhi ng napakalaking deposito ng mga sediments mula sa Bulkang Pinatubo na hindi angkop sa laki ng lupain na tatambakan ng lahar mula rito noong 1991, bukod pa dito dumaloy ang lahar mula sa Pinatubo patungong Kanluran at Gitnang Luzon, winasak ang mga bayan, at nagdulot ng malawakang pinsala sa ari-arian, at marami ang nasawi.

Pagbaha ng Bagyong Kiko (2009)
Labing-walong taon pagkatapos ng pagsabog, noong Agosto 6, 2009, binaha ng Bagyong Kiko ang 11 barangay sa Botolan, Zambales. Umakyat ang tubig hanggang 5 talampakan nang masira ang isang dike dahil sa lahar na nagmumula sa Mt. Pinatubo na hindi kinaya ng mga dike at umapaw ang Ilog Bucao.
Mahigit 13,000 katao ang nawalan ng tahanan at idineklara ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang Zambales sa ilalim ng state of calamity. Kabilang dito ay ang barangay ng Lower San Juan sa bayan ng Botolan na lubhang naapektuhan.
Ang Dike ng Pinatubo at Pagkasira Nito
Itinayo ang dike ng Pinatubo noong dekada 1990 upang idirekta ang baha at lahar mula sa
bundok para protektahan ang bayan ng Botolan, San Felipe, San Narciso at San Marcelino.
Dahil dito nasira ang isang kilometro ng dike sa kalagitnaan ng pagbayo ng Bagyong Kiko.
Nakatakdang sana i-upgrade ng DPWH ang dike para mas matibay at kongkreto bago ang buwan ng Oktubre 2009.
Bilang pansamantalang hakbang, gumagawa sila ng kanal upang ihiwalay muna ang tubig sa bayan nang tumama ang Bagyong Kiko.

Muling Pagkasira ng Dike at Pagbaha
Nang sumunod na buwan, muling nasira ang dike dahil sa tatlong araw na malakas na ulan-bagyo.
Umabot sa 7,706 residente ang inilikas dahil sa bahang umaabot sa leeg sa 8 barangay.
Rumagasa dito ang Baha at dumating sa punto na hindi na kayang daanan ang kalsadang nag-uugnay sa Botolan at sa ibang bayan.
Hanggang sa binago ng baha ang landas ng Ilog Bucao, binalik nito ang dating daloy at tinabunan ang mga bahay, negosyo, at sementeryo.
Ang dating mga barangay ay sinakop na ng mabilis at umiikot na Ilog ng Bucao.
Ayon sa mga matatanda sa Botolan, ang lupa ng mga naapektuhong barangay ay dating mga at ilog. Nangyari ito dahil pagkatapos ng pagsabog ng Pinatubo noong 1991, binago ng lahar ang topograpiya ng Botolan at pinilit ang Ilog Bucao na humanap ng bagong daan patungo sa dagat.
Dagdag Baha mula sa Bagyong Ondoy (2009)
Sa katapusan ng Setyembre 2009, muling nagdulot ng malakas na ulan ang Bagyong Ondoy. Winasak naman nito ang isang tulay, mga bahay, at paaralan dahil sa naidagdag na buhangin o lahar na ibinababa ng malakas na tubig na umaagos sa 3 malalaking ilog sa lalawigan na nagdulot ng pagtaas muli ng river bed sa residential area ng 3 bayan.
Ngunit mas lalo naapektuhan ang bayan ng Botolan dahil sa Ilog ng Bucao na lalo pang lumaki at lumawak at sumira sa mga dike.
Permanenteng Paglilikas
Noong Oktubre 2009, sinabihan ang mga residente ng 4 na barangay, kabilang ang Lower San Juan, na kailangan na nilang tuluyang lisanin ang kanilang mga tahanan habang patuloy na winawasak ng Ilog Bucao ang kanilang mga bahay. Ibinalik na ng Ilog Bucao ang likas na daanan nito at hindi na itatayo ang nasirang dike.
Ang permanenteng paglilikas ang tanging magagawa at makatwirang opsyon ng pamahalaan.

Pagkilos ng mga Apektadong Residente (NMBSJ)
Hanggang dito na nag-organisa ang mga apektadong residente bilang “Nagkakaisang Mamamayan ng Bagong San Juan (NMBSJ)”.
Ang Samahang Magsasakang ito ang natahang kumatawan sa 1,674 pamilyang nawalan ng tahanan at pinagkukunan hanapbuhay ay sakahan na naapektuhan dahil sa paglaki ng Ilog Bucao na nagbaba ng malaking volume ng buhangin na sumira sa dike na promo-protekta sa residential area dahil sa walang tamang river Channel patungo sa dagat.
Ang tungkulin ng NMBSJ na ipaglaban ang muling paglilipat at relokasyon papalayo sa mapanganib at mababang bahaging Barangay Lower San Juan.
Ito ay Isang serye ng konsultasyon at dayalogo ang isinagawa sa pagitan ng NMBSJ, Lokal na Pamahalaan ng Botolan, at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nais ng mga residente ang isang lugar ng relokasyong ligtas sa panganib ng baha at pagguho ng lupa, kung saan makakapagtayo sila ng bahay, makakapagpatuloy ng kabuhayan, at makakapagbangong muli ng komunidad.