Dalawang Miyembro ng Pampanga Drug Enforcement Unit, Arestado sa Pagdakip at Pagnanakaw – Central Luzon Police

Randy Datu
2 Min Read

CAMP OLIVAS, Pampanga – Ayon sa Pulisya ng Rehiyon ng Gitnang Luzon (PRO 3), dalawang miyembro ng Pampanga Drug Enforcement Unit (PDEU) ang inaresto dahil sa E envolvement nito sa diumano’y isang pagnanakaw at tangkang pagdukot.

Sa isang pahayag, sinabi ni PRO 3 Director Chief P/BGen Ponce Rogelio Peñones na hindi nila pinahihintulutan at kailanman ay hindi magpapaubaya sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng sinuman sa kanilang hanay.

“Ang insidenteng ito ay lalong nagpapatibay sa aming determinasyon na linisin ang aming organisasyon ng mga tiwaling tauhan at itaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo at integridad,” dagdag ni Peñones.

Base sa naunang imbestigasyon na limang hindi nakikilalang armadong lalaki na nakaitim na jacket, nakabonnet, at nakamaskara ang sapilitang pumasok sa isang printing shop sa Bgy. Tabun bandang alas-10 ng gabi noong Huwebes.

Tinalian ng mga suspek ang mga biktima — — gamit ang cable straps at sinira ang 

mga CCTV, at pinaratangan sila na sanggot sa ilegal na droga.

Pagkatapos, tumakas ang mga suspek dala ang siyam (9) na iba’t ibang klase ng high-end na smartphone. Sakay sila ng isang itim na Toyota Vios na walang plaka.

Sa follow-up na operasyon  na bawi at natuklasan ang inabandonang get-away car sa Bgy. San Vicente, Sacobia, Bamban, Tarlac.

Sa loob ng sasakyan, natagpuan ng mga pulis ang mga dokumentong nag-uugnay nito sa mga miyembro ng Pampanga PDEU. Ang pakikipag-ugnayan sa yunit ay humantong sa pag-aresto sa dalawang tauhan at sa pagbawi sa mga ninakaw na gamit. |

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *