QUEZON CITY – Pormal ng nilagdaan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at Public Attorney’s Office (PAO) ang isang memorandum of agreement kaugnay sa m pagbibigay ng libreng legal assistance sa mga mamamahayag na mahaharap sa iba’t ibang kaso na may kinalaman sa kanilang tungkulin at adbokasiya sa malayang pamamahayag.
Pinangunahan nina PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta at PTFOMS Executive Director Jose Torres Jr. ang signing ceremony na ginanap sa PAO office sa Quezon City noong Biyernes, Hulyo 11.
Sa naturang kasunduan, pangungunahan ng PTFOMS ang pakikipagkoordinasyon at pagtukoy sa mga media personnel na nangangailangan ng legal assistance upang matulungan ng PAO sa training program at policy advocacy.
“I would like to thank Chief Acosta and the entire PAO team for their unwavering dedication and steadfast support for press freedom and media safety. Her leadership and advocacy inspire us to continue strengthening our efforts to protect those who uphold our right to information,” sabi ni Torres.
Sinabi pa ng PTFOMS head na makikita sa naturang inisyatibo ang determinasyon ng dalawang grupo para magkaroon ng “safer environment” para sa mga media practitioners sa paglalahad ng katotohanan sa mga kaganapan sa bansa.