NEPOMUCENO, ITINALAGA BILANG BAGONG, BUREAU OF CUSTOMS COMMISIONER

Randy Datu
3 Min Read

MANILA – Simula ng bagong kabanata para sa Bureau of Customs(BOC), matapos pormal na nanumpa sa tungkulin nitong Martes, ika-1 ng Hulyo 2025, ang bagong Commisioner na si Ariel F. Nepomuceno.

Dala ni Nepomuceno sa BOC ang mga taon ng karanasan nito pagdating public service, kabilang ang mga naging mahalagang posisyon niya bilang Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Undersecretary ng Office of Civil Defense.

Bago siya nahirang bilang commisioner, nagsilbi siya sa BOC bilang Bise Komisyoner ng Enforcement Group mula 2013 hanggang 2017, at bilang Deputy Commisioner mula 2017 hanggang 2018.

Inaasahang pakikinabangan ng BOC ang malawak niyang kadalubhasaan sa pagpapatupad ng batas at pamumuno, kasabay ng kanyang background sa public administration, upang itaguyod ang patuloy na pagbabago ng ahensya tungo sa isang moderno at kapani-paniwalang pamamahala sa BOC, habang pinatitibay ang prayoridad sa repormang institusyonal at pagpapatupad ng batas.

Binigyang-diin ni Nepomuceno ang kanyang buong pagpapatupad sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na tututukan ang mga pangunahing mandato ng ahensya: pagpapataas ng koleksyon ng buwis, pagpapadali sa lehitimong kalakalan, pagsugpo sa smuggling, at paglinang ng propesyonal at matapat na kawani.

Idiniin din niya ang halaga ng pagpapatuloy at pakikipagtulungan, at nangakong itataguyod ang mga nakamit ng BOC sa ilalim ng nakaraang pamunuan, habang naglulunsad ng mga estratehikong inobasyon sa digitalisasyon, pagpapatupad ng batas, at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Commisioner Bienvenido Y. Rubio (na namuno sa BOC mula Pebrero 2023 hanggang Hunyo 2025) kay Komisyoner Nepomuceno at sa patuloy na pagbabago ng ahensya.

Sa panunungkulan ni Rubio, umabot sa rekord na koleksyon ang BOC na PHP 883 bilyon noong 2023 at halos PHP 916 bilyon noong 2024, na palaging lumalampas sa taunang target.

Kasabay nito, tumaas ang halaga ng mga nasabat na iligal na kalakal mula PHP 43.29 bilyon noong 2023 patungong PHP 85.16 bilyon noong 2024 sa pamamagitan ng mahigit 2,100 operasyon—patalas na indikasyon ng mas mahigpit na pagpapatupad laban sa smuggling.

Nagtulak din ang administrasyong Rubio ng pangmatagalang reporma sa digitalisasyon: 161 sa 166 pangunahing proseso sa adwana ang na-automate (96.99% digitalisasyon), na lubhang nagbawas sa transaksyong harapan.

Kabilang sa kanyang mga inilunsad ay ang:

  • Enhanced e-Travel Customs System
  • Overstaying Cargo Tracking System
  • ATA Carnet Monitoring System
  • National Customs Intelligence System

at iba pang mga platapormang nagpapabilis sa deklarasyon, real-time na pagsubaybay sa kargamento, at pagsasama-sama ng datos sa iba’t ibang ahensya para sa mas mabilis at transparent pagdating sa Boarder clearance.

Sa pormal na pag-upo ni Nepomuceno, handa na ang BOC na lalo pang patatagin ang papel nito bilang pangunahing institusyon sa koleksyon ng buwis, pagpapadali ng kalakalan, proteksyon ng hangganan, at paghahatid ng serbisyo publiko—na nakasalig sa propesyonalismo, transparency, at integridad.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *