CAPTION: Nanumpa sa katungkulan si Gob. Hermogenes Ebdane Jr., kasama ang kanyang asawa at mga anak, sa harap ni Hukom Santiago Beltran Jr. ng RTC Branch 69 at 71. Larawang ibinigay (Jennifer R. Go).
BOTOLAN, Zambales – Nanumpang muli sa bago at ikatlong termino si Zambales Governor Heemogenes “Jun” Ebdabe Jr., nitong Lunes na may malakas na may malakas na panawagan para sa pamumunong may pagkakaisa na may matapang na pamamahala at pag-iisip nang panghabambuhay para matiyak lamang ang mas magandang kinabukasan para sa mamayang Zambaleño.
Sa kanyang talumpati sa People’s Plaza sa bayan ng Botolan sa harap ng mga lokal na opisyal, pinuno ng komunidad, at residente, ibinahagi ng gobernador ang kanyang 15-taóng sa serbisyo publiko at dito niya binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang pamumuno na may malinaw na “vision” sa pagbabago ng lalawigan.
Ginunita niya kung paano magplano kahit na mahirap, lalo na sa mga panahong nag-aatubili ang iba para san pagtahak ng kawalan ng katiyakan upang abutin ang pinagsasaluhang pangarap para sa kaunlaran.
“Higit pa ito sa pagpapatuloy. Ito ay bagong kabanata at panibagong panawagan upang sama-sama nating itayo ang ating legasiya,” wika ni Ebdane.
Binanggit niya na ang mga dating nasa plano lamang — tulad ng mga kalsada, paaralan, ospital, at maunlad na komunidad — na ngayo’y nagpapatunay na dahil sa sama-samang pagsisikap at katatagan.
Dito ipinakita ni Ebdane ang mga pangunahing nagawa ng kanyang administrasyon tulad ng sa:
Kalusugan: Higit na maraming espesyalista ang na-hire at inayos ang mga pasilidad na medikal.
Edukasyon: Pinalawak ang programa ng “Handog Edukasyon” at pinalakas ang pakikipagtulungan sa mga paaralan.
Agrikultura at Pangisdaan: Umunlad sa pamamagitan ng mga inisyatiba tulad ng Zambales Green Mango Valley at ng Maritime Development.
Imprastraktura: Nakatuon sa mga proyektong may malaking epekto at madaling maabot ng mga komunidad.
Serbisyong Panlipunan: Pinalakas ang tulong pinansyal, pangkabuhayan, at pangkalusugan para sa mga mahihirap na pamilya.
Reporma at Pag-angat
Binigyang-diin din niya ang mga reporma sa pamamahala na naglalayong magkaroon ng transparency, paggamit ng teknolohiya (digitalization), at kalayaan sa pananalapi (fiscal independence) — na nakatulong upang maging first-class province ang Zambales.
Tungo sa Hinaharap
Para sa mga darating na taon, iginiit ni Ebdane na ang pamumunong nakalaan sa hinaharap ay dapat magtaglay ng kahusayang may bilis/liksi (agility), kakayahang umakma (adaptability), pagkamalikhain (innovation), at paggawa ng desisyon batay sa datos (data-driven decision-making).
Aniya, hindi lamang dapat reaksyon ang gobyerno sa pagbabago, kundi dapat manguna dito gamit ang estratehikong pag-iisip.
Kabilang sa mga layuning inilahad niya ay ang inclusive health care (pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan), sariling-sustenidong ekonomiya, makabagong imprastruktura, at kahusayan ng mga institusyon.
Panawagan sa Pagkakaisa
Nanawagan si Ebdane ng respeto at balanse sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibong sangay, at pinagunita niya sa kapwa opisyal na ang serbisyo publiko ay hindi pribilehiyo, kundi responsibilidad.
“Habang ako ay nagpapatupad, kayo ay gumagawa ng batas. Mahalaga ang pagkakasundo at linaw sa pamamahala,” pagdidiin niya.
Pasasalamat at Pangako
Sa pagtatapos, nagpasalamat si Gobernador Ebdane sa mga mamamayan ng Zambales sa tiwalang ipinagkaloob at ipinangako ang pagpapatuloy sa nasimulan ng kanyang administrasyon.
“Ito na ang ating panahon. Mamuno tayo nang walang takot — at magsimula na tayo ngayon,” wika ng Gobernador.
