Sinubukan ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Eduardo Jose L. Aliรฑo ang bagong E-bus at dito niya naramdaman ang kaginhawa at pagiging komportable sa loob.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐โ Nakatakdang ilunsad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang isang hanay ng mga Pure Battery Electric Bus (PBEB) sa loob ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ngayong taon, isang malaking hakbang sa kanilang programang “Race to Carbon Neutrality” (Tungo sa Pagiging Carbon Neutral).
Kinumpirma ni SBMA Chairman Eduardo Jose L. Aliรฑo na dumating ang sampung yunit ng PBEB noong Mayo 13, na matagumpay namang sumailalim sa road test noong Mayo 27.
“Ang mga bus ay kumportable at nagbibigay ng madaling pag-access para sa mga taong may kapansanan,” sabi ni Aliรฑo.
Ang inisyatibang ito ay naaayon sa layunin ng SBMA na gawing unang carbon neutral economic zone ng Pilipinas ang Freeport.
Kabilang sa mga suportang imprastruktura ang mga fast-charging station sa SBMA motorpool at isa pang donasyon ng Department of Energy (DOE) sa kahabaan ng Argonaut Highway.
Bilang paghahanda sa paglulunsad, naglaan ang SBMA ng โฑ10 milyon para sa pagtatayo at rehabilitasyon ng 58 hintuan ng bus sa mga pangunahing lugar kabilang ang CBD, Cubi, theme parks, Binictican, at Kalayaan Housing, kasama na ang pag-renovate ng Kalaklan Gate Terminal.
Target na makumpleto ito sa Disyembre 2025.
Ang mga bus, na ibinigay ng Golden Asia Automotive Builders, Inc., ay ginawa ng Xiamen King Long United Automotive Industry Co. Ltd.
Suportado ng proyektong ito ang mas malawak na target ng SBMA: 30% na pagbabawas ng carbon emissions pagsapit ng 2030 at pagkamit ng net-zero emissions pagsapit ng 2040, kabilang ang mga inisyatibo tulad ng โฑ250-milyong Carbon Neutral Port project.

