1.5 Tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng ₱10-Bilyon,  Nasamsam sa isang bangka sa Zambales

Ruben Veloria
1 Min Read

ZAMBALES – Nasamsam ng pinagsanib na elemento ng Philippine Navy at Philippine Drug Enforcement Agency ang umaabot sa 1.5 tonelada o 1,500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱10 bilyong piso.
 
Ang nabanggit na droga ay nadiskubre kaninang ala-1:30 ng umaga na nakakarga sa isang pangisdang bangka hindi kalayuan sa baybayin ng Zambales.

Ayon kay Captain John Percie Alcos, tagapagsalita ng Philippine Navy, ang pagsalakay sa bangka ay isinagawa makaraang matanggap ang isang tip na ang itinrong bangka ay posibleng nagkakarga ng ipinagbabawal na droga.

Ganap na ika-1:30 ng umaga nang isagawa ang raid at nadiskubre nga ang mga droga. Hindi nabanggit ng philippine navy kung may naarestong suspek o tripulante ng bangka nang isinagawa ang pagsalakay.

Ayon kay Captain Alcos, ito na ang pinakamalaking nasamsam na droga sa kasaysayan ng philippine navy bilang pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal ng droga.

Ang mga narekober na droga ay nakatakdang dalhin sa naval operating base sa subic, zambales para sa kaukulang pagdokmento at pagsalin sa kinauukulang awtoridad.

Mula noong mayo 29, umaabot na sa ₱17.083bilyon halaga ngt shabu ang nasamsam ng awtoridad sa iba’t-ibang panig sa west philippine sea.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *