MAHIGIT P5-MILYONG HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG ZAMBALES PNP SA ISANG “HIGH VALUE INDIBIDUAL” SA ARAW NG KALAYAAN

Jennifer Go
1 Min Read

SAN MARCELINO, Zambales – Matagumpay na naaresto sa isinagawang anti-iligal drug Operation ng pinagsanib na grupo ng Provincial Drug Enforcement Unit, PDEA Zambales at San Marcelino Municipal Police Station ang isang “High Value” Individual sa San Marcelino Zambales ngayong araw ng Huwebes ika-12 ng Hunyo taong 2025.

Base sa ulat na natanggap ni Zambales PNP Provincial Director Police Col. Benjamin P. Ariola, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 46 taong gulang na lalaki dakong alas-5:29 ngayong umaga sa Purok 2 Barangay Linasin sa nasabing bayan.

Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang humigit kumulang 755 grams ng shabu na may standard drug price na ₱5,134,000.00.

Sa ngayon ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa San Marcelino Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *