CAMP PFC CIRILO S. TOLENTINO, LUNGSOD NG BALANGA — Tinatayang aabot sa nasa mahigit 1.5 Bilyong halaga ng Shabu ang natagpuan ng grupo ng mga lokal na mangingisda na palutang lutang sa karagatan ng West Bajo de Masinloc na sakop ng lalawigan ng Zambales na agad namang isinuko sa mga awtoridad ng Bataan kaninang Umaga, araw ng Lunes, June 2, 2025.

Ayon sa kapitan ng barko, noong May 29, 2025, bandang 5:30 ng hapon, napansin ng mga tripulante ang nag-kalat at palutang lutang na sako sa karagatan habang naglalayag sa laot ng West Bajo de Masinloc.
Sa una’y inakala ng tripulante na naglalaman ito ng mga pack ng pagkain, kaya’t kinuha at binuksan nila ang mga sako—at dito natuklasang naglalaman ito ng pinaghihinalaang “shabu.”

Agad na dinala ng mga tripulante ang mga narekober patungong Mariveles, at nakarating malapit sa Barangay Sisiman bandang alas- Dos ng hapon nitong Linggo ng June 1.
Ang sampung sako ng pinaghihinalaang ilegal na droga ay pansamantalang itinabi sa isang nakalutang na barge sa nasabing lugar.

Bandang 8:00 ng umaga noong Hunyo 2, 2025, iniulat ng kapitan ng barko ang natuklasan sa Philippine Coast Guard (PCG) – Mariveles Sub-Station.
Dito na nagtulungan ang Mariveles Municipal Police Station (MPS), Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU), sa pamumuno Bataan PNP Provincial Director Police COL MARITES A SALVADORA, at nang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Bataan Provincial Office.

Sa Isinagawang pag-iimbentrayo sa sampung (10) sako na naglalaman ng shabu ay tinatayang nasa 222 kilo na umaabot sa
₱1.509-Bilyonng halaga ng shabu na nasa Standard price.
Samantala, Pinuri ng mga awtoridad ang integridad at pagiging alerto ng tripulanteng mga mangingisda dahil sa kanilang mabilis at responsableng pagkilos sa pagsusuko ng ilegal na droga.
