BANGKAY NG TATLONG NEGOSYANTE NA NAHUKAY SA MAGUINDANAO, DUMATING NA SA BATANGAS

Pillars Central News
2 Min Read

CALATAGAN, Batangas – Dumating na kaninang hapon ng Lunes sa bayan sa Calatagan- Batangas ang mga labi ng tatlong negosyante sa pag-aalaga ng kambing na nahukay sa loob ng plantasyon ng goma sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha lalawigan ng Maguindanao del Sur noong Biyernes.

Ang mga labi ay isinakay sa eroplanong C-130 mula sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at lumapag sa Villamor Airbase.

Napuno ng emosyon ang palibot ng lugar ng lumapag ang eroplanong sinakyan ng mga labi dahil sa emosyon ng pamilya ng kanilang masilayan ang mga kahon na pinaglagyan ng kabaong ng tatlo.

Bago i-uwi sa kanilang mga bahay ay dinaan muna sa mga punerarya ang mga bangkay upang maayos at matingnan.

Matatandaang ang tatlo ay iniulat na nawawala matapos makipagtransaksyon sa isang residente sa lugar kaugnay ng pagbebenta ng mga hybrid na kambing para sa breeding.

Ayon sa mga ulat, dinukot ang mga biktima ng limang armadong lalaki, ginapos, pinaslang, at ibinaon sa mababaw na hukay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP-BARMM at Maguindanao del Sur Provincial Police upang tugisin ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Hindi pa kumpermado sa ngayon ng PNP kung may mga pangalan na ng mga person of interest na ang mga ito sa mga suspek.

Hiling ng pamilya na sanay mabigyan agad ng hustisya ang sinapit ng mga biktima sa kamay ng mga kriminal.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *