87% NA MGA KONRESISTA NA NAG-IMPEACH KAY VP SARA, MULING IBINOTO

Pillars Central News
2 Min Read

Pinabulaanan ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre ang sinabi ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas campaign manager Toby Tiangco na hindi ito ang dapat sisihin sa pagkatalo ng senatorial slate ng Marcos administration sa Mindanao kundi ang mga nag-impeach kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Acidre, paanong mangyayari iyon kung 86.96 porsiyento ng mga kongresistang nag-endorso ng impeachment ng Bise Presidente noong Pebrero ay muling ibinoto ng kani-kanilang constituents?

Aniya, malinaw ang mensahe ng resulta ng katatapos na midterm elections: suportado ng mga Pilipino ang paninindigan sa katotohanan at pagkakaroon ng pananagutan sa taumbayan—mga bagay na ipinakita ng mayorya ng mga kongresista, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Acidre na 100 mula sa 115 kongresista ng iba’t ibang distrito na nag-endorso ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente ay pawang nahalal muli, o may 86.96 percent win rate sa buong bansa.

Maging sa Mindanao, kung saan nangulelat ang mga senatoriables—na dapat sana ay ipinanalo ni Tiangco bilang kanilang campaign manager—ay 36 sa 44 na pro-impeachment lawmakers ang ibinoto at balik-Kamara sa 81.81 percent win rate, ayon kay Acidre.

“Just to set the record straight, these results dismantle the narrative that the impeachment was a political liability,” ani Acidre. “What we’re seeing is a public that values courage over complicity. The people have drawn the line—and they stood with us.”

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *