BAGAC, Bataan – Arestado ang apat na indibidwal sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Atilano Ricardo, Bagac, Bataan noong Biyernes ika-2 ng Mayo 2025.
Ayon sa ulat ni Police Major Roger Pecenio , nakatanggap ng impormasyon ang intelligence unit ng Bagac MPS hingil sa isang isinasagawang ilegal na aktibidad na may kinalaman sa paggamit ng droga.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at naaktuhan ang mga suspek habang nasa gitna ng isang โpot session.โ
Ang mga naarestong indibidwal ay maayos na ipinabatid ang kanilang mga karapatan alinsunod sa Section 2(b) ng R.A. 7438.
Isinagawa rin ang maayos na dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng isang kinatawan mula sa media at isang halal na opisyal ng barangay.
Kasalukuyang inihahanda ng Bagac MPS ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa mga arestadong suspek. (Danny Cumilang)

