Sa pakikipagpulong ni Mayor Abby Binay kay Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., malugod na tumanggap ng pag-endorso ang alkalde at ngayo’y senatorial candidate para sa lumalawak na suporta sa kanyang kandidatura.
Muling binigyang-diin ni Mayor Abby ang kanyang pangunahing layunin sa Senado, kabilang ang better healthcare services para sa senior citizens, mas tutok na early childhood education, at pag-alis ng tax sa mga bonus at overtime pay ng mga manggagawa.
Gayundin, isusulong din ni Mayor Abby ang isa sa kanyang pangunahing layunin sa lehislatura: ang pag-amyenda sa 1991 Local Government Code para palakasin ang kakayahan ng mga local government units (LGUs).
Abut-abot din ang pasasalamat ni Mayor Abby sa suportang inihayag ni Governor Ebdane para sa kanyang kandidatura.


