by: Pillars Central News
Antipolo City, Rizal – Ayon sa Police Regional Office 4A (PRO 4A), pitong katao ang napatay sa isang insidente ng pananaksak sa loob ng isang panaderya sa Antipolo City, Rizal nitong Martes.
Batay sa ulat ng pulisya, pumasok ang suspek at pinagsasaksak ang mga biktimang natutulog sa loob ng panaderya sa Barangay Cupang.
Ang mga biktima ay mga trabahador umano sa nasabing panaderya, ayon sa awtoridad.
Natuklasan ang kanilang mga katawan bandang 6:00 ng umaga nitong Martes, at iniulat ang insidente sa pulisya dakong 8:00 ng umaga.
Base sa ulat na nakalap ng Pillars Central News , sumuko ang suspek at kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Antipolo Police at Rizal Police Provincial Office.
Sa pahayag ng suspek, may mga balak na umano ang pitong biktima na siya ay papatayin, inumahan lang niya.