INCUMBENT COUNCILOR NA TUMATAKBONG BISE ALKALDE NG OLONGAPO CITY, KINUNDENA ANG PRESENYSA NG TEAM PAULINO SA PAGBIBIGAY AYUDA NG ISANG KOMPANYA NOONG HUWEBES AT BIYERNES SANTO

Pillars Central News
4 Min Read

By: Pillars Central News

Naglabas ng Statement at nababahala bilang isang kandidato sa pagka bise-alkalde si Olongapo City Council Kaye Legaspi kaugnay sa naganap na political activity na nagpapakita ng violation ang Team Paulino nitong araw ng Huwebes Santo (April 17, 2025) at Biyernes Santo na kung saan namataan ang ilang mga kandidato na kabilang ang isang tumatakbo bilang bise-alkalde na si Rodel Cerezo kasama ang apat pa nitong ka-Ticket na tumatakbo Naman bilang City Councilor na mariing ipinagbabawal ng COMELEC.

Base sa salaysay ni Legaspi, nababahala siya dahil habang ang karamihan ay tahimik na nagdadasal at nagmumuni-muni noong banal na araw habang mayroon namang nagaganap na pamimigay sa isang Tennis Court sa taas ng kilalang mall sa Lugsod.

Ayon sa COMELEC Resolution No. 10999, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya o anumang political activity sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Dagdag pa rito, malinaw din sa Omnibus Election Code—lalo na sa Sections 263 at 264—na ipinagbabawal ang pamimigay ng kahit anong uri ng tulong, pera man o in-kind, ng sinumang kandidato habang campaign period.

Mismong si COMELEC Chairman George Garcia na ang nagsabi na ang ganitong pamimigay ay isang bawal na gawain sa buong kampanya.

Sinabi pa ni Legaspi na ang paglabas ng mga video na nagpapakita kay Cerezo sa nasabing event ay lalong nagpapataas ng agam-agam ng publiko.

Kaya siya sa COMELEC at sa mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng mabilis, patas, at transparent na imbestigasyon para matukoy kung may nilabag na batas at mapanagot ang mga dapat managot.

Bilang mga kandidato na humihingi ng tiwala ng taumbayan, tungkulin nating magsilbing magandang halimbawa.

Ang tunay na paglilingkod ay dapat rooted sa integridad, hindi sa pananamantala o political gimmick. Ang mga patakaran ng eleksyon ay hindi opsyonal—obligasyon natin itong sundin nang pantay-pantay, ani pa ni Legaspi.

Naninindigan po ako para sa malinis, tapat, at makatarungang halalan. Inaanyayahan ko ang lahat ng kandidato at tagasuporta na igalang ang ating demokrasya at itaguyod ang patas na laban para sa kinabukasan ng ating lungsod, Dagdag pa nito.

Matatandaan, makikita sa mga ikinalat na video ng ilang “Netizens” ang pagbibigay ng ayuda saksi ang ilang mga kandidato na kasama sa Team Paulino sa mga empleyado ng Small Town Lottery ng kompanyang Topaz Amusement Corporatin sa pangunguna ng Pangulo nitong si Ruben de Guzman na pangunahing supporter ni BCDA Director Rolen C Paulino Jr., na dating alkade ng Lungsod ng Olongapo na ama ng kasalukuyang Mayor na si Rolen Paulino Jr.

Samantala, nabanggit din ng ilang mga netizens na huli sa video na kabilang sa mga kandidato na sumama sa nasabing programa ay ang mga tumatakbong councilor na sina Olongapo City incumbent Councilor Ying Anonat, Councilor Rodolfo Catologan, Donald Aquino ng Barangay West Tapinac na tumatakbo ngayong Councilor ng Lungsod at BJ Cajudo.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *