Sinabi ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Marso 11, na susundan niya ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague sa Netherlands.
“Mayroon na pong arrangements kasi kailangan ko kausapin ang mga abogado kung saan man siya dalhin. Pupunta kami, ako at mga abogado, at doon kami mag-uusap kung ano ang dapat gawin,” sabi ni VP Sara nang makapanayam ng media sa Gate 1 ng Villamor Airbase sa Pasay City.
Sa The Hague lilitisin ng International Criminal Court (ICC) ang dating presidente para sa crimes against humanity kaugnay ng pagpapatupad ng war on drugs ng kanyag administrasyon.