Nakalabas na ng ospital si dating Executive Secretary Salvador Medialdea sa The Hague ayon kay Sen. Bong Go.
Ayon kay Go, naging successful ang heart procedure ni Medialdea ngunit kailangan pang manatili nito sa The Hague ng anim na linggo para magpagaling bago tuluyang umuwi ng Pilipinas.
Pinasalamatan naman nito ang publiko sa pagdarasal para sa kalusugan ni Medialdea at nanawagan na ipagdasal rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.