Lead Councel ni FPRRD, Kumpyansang Mapawalang Sala Ang Kanyang Kliyente

Last Night’s Glamorous Red Carpet Showdown: A-List Celebrities Compete in Stunning Fashion Moments – Who Stole the Spotlight?

Pillars Central News
2 Min Read

Kumpiyansa ang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapawalang sala ang kanyang kliyente ng International Criminal Court (ICC) dahil, aniya, kuwestiyunable ang legalidad ng ginawang pag-aresto kay Duterte sa Maynila noong Marso 11.

Sa panayam ng media sa The Hague, Netherlands kung saan nakapiit ang dating pangulo, sinabi ni Kaufman na sa isyu pa lamang ng ginawang pag-aresto kay Duterte ay magigiba na ang posisyon ng prosekusyon dahil sa isyu ng legalidad. Una nang iginiit ng kampo ni Duterte na hindi makatarungan ang ginawang pagdakip sa kanya dahil hindi na miyembro ang Pilipinas ng international tribunal.

Samantala, kinumpirma rin ni Kaufman na sumama ang pakiramdam ni dating executive secretary Salvador Medialdea noong Miyerkules habang ito ay nasa reception area ng ICC detention facility sa Scheveningen upang bisitahin si Duterte.

Sinabi naman ni Vice President Sara Duterte na hindi na kasama si Medialdea sa legal team ng kanyang ama at naghahanap pa sila ang ibang abogado na hahawak sa kasong crimes against humanity na isinampa sa ICC laban kay Digong.

Ayon sa bise presidente, target nilang maka-recruit ng mga abogadong eksperto sa international law upang idepensa si Digong sa gaganaping paglilitis sa The Hague sa Setyembre 23, 2025.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *