Binatikos muli ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Nicolas Torre III na nanguna sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Wala namang forever dito sa mundo kaya may hangganan din ang lahat ng pang-aabuso mo. Lahat ng kasigaan mo, may hangganan din ‘yan,” saad pa ni Dela Rosa sa isang panayam sa DWIZ nitong Sabado, Marso 22.
Sa parehong panayam, tinawag na “santo” ni Dela Rosa si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, na binuweltahan siya kamakailan sa pahayag niyang magtatago siya sa halip na sumuko sa International Criminal Court (ICC).
Matatandaang si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang “war on drugs” campaign ng administrasyong Duterte.